Between and Old Memory and Us
- e-book Version Only
- 22 Parts
- Romantic Comedy, Second Chances, Mystery
A woman whose eight years of memories were erased by an accident was surprised to find out she had lost her once-poor boyfriend, who is now a rich man.
Story Teaser
Aera woke up one day with amnesia. Wala siyang maalala sa nakalipas na walong taon ng buhay niya. Pero natuklasan niyang hindi lang memory ang nawala sa kanya, kundi pati ang first love at boyfriend niyang si Bart.
Ang masaklap pa, ang dating poorito at jologs niyang boyfriend ay isa nang bilyonaryo ngayon. Kung hindi sila naghiwalay, damay sana siya sa magandang kapalaran nito. Kaya naman hindi niya matanggap nang malamang ikakasal na sa ibang babae si Bart. In her hospital gown, she rushed to the church to stop his wedding.
But the groom was mad at her. Apparently, malaki ang kasalanan ni Aera sa dating boyfriend. And now, he was determined to make her life even more miserable. Gusto talaga ni Bart na pagsisihan niya ang ginawa rito.
Pero determinado rin si Aera na mapabalik ang dating pagmamahal sa kanya ni Bart habang sinusubukang ibalik ang mga nawalang alaala sa piling nito.
Sample Chapter
Lumipad ang tingin ng nurse sa glass door ng cubicle. “O, hayan na pala `yong boyfriend mo.”
Na-excite si Aera nang marinig iyon. Pilit niyang iniangat ang ulo para makita ang dumating pero nagtaka siya nang makitang hindi si Bart ang pumapasok sa cubicle.
Nakabusangot ang mukha ng lalaking sa tantiya niya ay nasa mid-twenties. Guwapo, makinis ang mukha at mukhang high-maintenance pero lukot ang mukha. Halatang may galit ang bagong dating na lalaki… o lalaki nga ba?
Kasi ay nang makita ito ni Aera nang malapitan ay napansin niyang umaalagwa ang isa sa on fleek na mga kilay nitong hindi korteng panlalaki.
“Bruha! Akalain mo, nabuhay ka pa pagkatapos mong lumipad at maupog nang bonggang-bongga sa aspalto?”
Confirmed. Isa nga itong beki dahil sa timbre ng boses at manner ng pananalita. Pinakatitigan niya ito. Bakit parang pamilyar ito sa kanya? Parang kamukha ng bading na kapitbahay nilang patay na patay kay Bart pero mas may edad nga lang. Kamag-anak ba ito ni Paulino Miranda, Jr., better known as Polly?
“O sinadya mo talaga `yon? Nagpakamatay ka ba talaga pero hindi ka lang natuluyan?” Nagbuga ito ng hangin. “Ang laking gaga…” pabulong na patuloy nito.
“Sino ka?” naguguluhang tanong ni Aera.
Halatang natigilan ang beki. Natigil din ang nurse sa balak na paglabas sa cubicle. Lumingon ito sa kanila.
“Sino ako?” turo ng beki sa sarili. “Hinu-hu u–hu u mo na lang ako? Ako lang naman ang nagmagandang-loob na tumawag ng ambulansya at pumirma sa records mo as guardian kahit imbyerna pa rin ako sa `yo hanggang ngayon dahil sa pang-aahas mo kay Bart. Pasalamat ka, nagkataong `ando’n ako no’ng naaksidente ka, kundi—”
“I-imposible…” gulat na gulat na putol ni Aera sa sinasabi nito.
“Ano’ng imposibleng sinasabi mo d’yan?”
“Polly?”
“Sino pa ba ako sa akala mo?”
Mukhang na-relieved ang nurse sa narinig pero hindi pa lumabas ito. Baka curious dahil sinabi niya kaninang boyfriend niya ang guardian pero halata namang bading ang dumating. Kaya pala ganoon ang reaksiyon ng nurse kanina. Hindi makapaniwalang may boyfriend siyang beki.
“B-bakit… bigla kang tumanda?” tanong niya kay Polly.
“Ay!” Nagbuga ng hangin ang beki na mukhang nainsulto. “Ay, iba ka talaga, Aera! Kung `di dahil sa `kin, tegi ka nang gaga ka. `Tapos makukuha mo pa akong laiitin. How dare you, bitch!” Bumaling ito sa nurse. “Nurse, pakibalik nga itong gagang `to sa comatose. `Tapos idiretso n’yo na sa cremate sa morgue.”
Hindi itinago ni Aera ang matinding pagkalito. “Hindi ko maintindihan. Last week lang, nakita kita. Dumadaan kami ni Bart sa car wash ng tatay mo. Magka-holding hands kami, sweet na sweet, ang sama pa ng tingin mo sa `min habang nagkukuskos ka ng trunk ng kotse. Sa sobrang gigil mo yata sa `kin dahil selos na selos ka, nanggigil ka rin sa kotse. Tinodo mo `yong pagkuskos na parang mabubura na `yong car paint. Binatukan ka pa nga ng tatay mo. `Tapos biglang ngayon, ganyan na `yong hitsura mo? Mukha ka nang twenty-seven bigla?”
Halata ang pagkatigil ni Polly habang nakatitig sa kanya. “`Pinagsasabi mo, girl?” Bumaling uli ito sa nurse na nakatayo pa rin sa tabi ng glass door. “Nurse, hindi ba naapektuhan `yong utak nitong babaeng `to no’ng nabagok siya?”
Lumapit ang nurse. “Paano mo nasabi `yon?”
“Kasi… four years nang tegi ang pudra ko.”
Suminghap ang nurse.
Natigilan si Aera. “A-ano’ng… sinasabi mo? Paanong patay na si Mang Baste? Eh, nakita ko lang siya noong isang araw na nakikitagay sa mga tambay sa kanto? Nagka-riot pa nga doon kasi dumating `yong ex-convict na anak ni Aling Rosing, nag-amok.”
“At `yong…” patuloy na pagkausap ni Polly sa nurse, “sinasabi niyang mga eksena, nangyari `yon… eight years ago.”
“Eight years ago?” natitigilang gagad ng nurse.
“Eight years ago?!” manghang gagad ni Aera.
“At,” patuloy pa rin ni Polly, “`yong sinasabi niyang boyfriend niyang sweet na sweet na ka-HHWW niya… halos isang taon na silang break.”
Napabalikwas ng bangon si Aera sa narinig. Tinanggal niya ang oxygen tube sa ilong. “Ano’ng sabi mo?!” manghang tanong niya kay Polly.
“And…” Ang nurse pa rin ang kinakausap ni Polly pero kay Aera nakatingin. “And in fact, ikakasal na `yong ex-boyfriend niya sa ibang babae bukas.”
Parang gusto niyang mahimatay sa narinig. “Noooo!”
Soooooo ganda. 💕