Campus Girls Series #1: In Love with a Psychopath Girl
- COMPLETED
- 20 Parts
- Romance, College, Dual Timelines
A rumored psychopath girl uses that image to scare people away to avoid bullying at school, but one unconvinced schoolmate is able to see the real her and threatens to capture her heart.
Story Teaser
They say I am a psychopath. And I let people think that way so they’d be scared of me and leave me alone. I did not realize how much I longed for someone who would see the real me until this guy came along and made me open up my heart to him.
Vanna Salgado was a rumored psychopath. Pinangingilagan siya ng mga kapwa estudyante sa De La Real University dahil sa kanyang scary image. Pinanindigan na lang niya ang pagiging “heartless witch” para ilayo at protektahan ang sarili sa mga tao sa paligid.
Deep inside, she was harmless and perfectly normal. But she was also very lonely.
Vanna was ready to be alone and lonely forever until she met someone who threatened to disturb her solitary life. Wilson was not scared of her at all. Habang ang iba ay hinuhusgahan at kinatatakutan siya, ito ay gusto pa yatang ipagsiksikan ang sarili sa kanya. Maybe because he was dense. Not only was Wilson silly, but he was also self-absorbed and stubborn as a mule. He was very hot, though.
“I will make you fall in love with me,” confident na sabi ni Wilson kay Vanna.
“I am incapable of love. I’m a psychopath, remember?”
“You are not a psychopath. And you will fall in love with me.”
She only planned to play along with Wilson because she enjoyed his company. Hindi naman akalain ni Vanna na mai-in love talaga siya rito.
Sample Chapter
PINANOOD ni Wilson kasama ng dalawang kaibigan ang ginagawang pagtatanggal ng maintenance personnel ng malaking tarpaulin na nakasabit sa school lobby ng De La Real University. Image niya ang nasa tarp na iyon. Nagkaroon kasi ng fundraising event ang DLRU Community Service Club. At ang premyo ng may ticket na mananalo ay ang maka-date siya ng isang gabi.
Of course, sold out ang tickets. Pinakyaw ng female at male gay population ng DLRU. And just yesterday, naka-dinner date ni Wilson ang napakasuwerteng babaeng nanalo sa raffle na halos mahimatay nang bigyan niya ng red roses. Buong dinner ay hindi sa pagkain halos tumutulo ang laway nito kundi sa kanya. Well, he was flattered, but it was a common occurrence in his life.
Hindi lang nman kasi sa school sikat si Wilson at pinagkakaguluhan ng mga babae. As a well-known commercial and underwear model, he had a lot of fans all over the country. Hindi pa siya nag-aartista nang lagay na iyon. Lalo na siguro kung patusin niya ang alok ng talent scouts na gusto siyang gawing top male actor.
“It breaks my heart,” sabi ni Wilson habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkalas ng mga tali ng tarpaulin, “to think that the girls won’t see their inspiration hanging there upon coming to school anymore. Baka tamarin na naman silang mag-aral.”
Narinig niya ang pagtawa ni Yohan. “Don’t worry, dude,” nakangising pag-assure nito sa kanya, “sagot na ni Karson `yong inspirasyon. Tarp na niya ang next na isasabit diyan.”
Bumaling si Wilson kay Karson. “Ikaw ang next na ipapa-date ng CSC?”
Hindi sumagot si Karson na nakahalukipkip lang at nakatingala pa rin sa tarpaulin na tinatanggal.
“Siya naman talaga ang unang inalok,” si Yohan ang nagsalita, “tumanggi lang siya. Kaya naisipan ka nilang tanungin. Kasi alam nilang hindi ka tatanggi.”
Bahagyang itinulak ni Wilson si Yohan sa dibdib na ikinatawa nito. “At least, ako, inalok. Ikaw, hindi.”
“Alam nilang may girlfriend ako kaya ba’t nila ako aalukin? They also knew Lisa was so possessive of me she wouldn’t let me date another girl kahit na for a good cause.”
Girlfriend ni Yohan ang captain ng cheerleader team. Si Yohan din ang captain sa basketball varsity team kung saan isa si Wilson sa players… or bench players. Wala siya sa first five players dahil sa madalas niyang pag-absent sa basketball team due to his modeling projects. Aminado rin naman siyang mas physically attractive siya kaysa sports-minded.
Hinawakan ni Wilson sa balikat si Karson para iharap ito sa kanya. “`You really willing to do this, dude?”
Matagal nang hindi interesado sa mga babae si Karson. Simula ng maghiwalay ito at ang first and longtime girlfriend ay nawalan na ito ng ganang magkagusto o makipagmabutihan sa mga babae. He even started to find girls’ admiration and attention bothersome. Kaya nakapagtataka na papayag ito na makipag-date kahit pa isang gabi lang.
Bahagyang ngumisi si Karson. “You know I’m too busy for stuff like that.”
Ngumisi si Wilson. “Just as I thought.” Tinapik niya ang kaibigan. “When you decline their offer, i-suggest mo na lang sa kanila na ako na lang uli.”
Tumawa uli si Yohan. “Nasarapan ka yatang makipag-date. Mukhang hindi mo naman type `yong nanalo, ah.”
“It’s for a good cause, dude,” sabi niya. “And I feel sorry for those who’ve missed their chance to date me for a night. They’ve been tagging me on Facebook with crying and sad emoticons, bombarding my timeline. Parang piniga `yong puso ko. `Must be tough for them that they can’t have a date with me even just once in their lifetime.”
Nagtawanan ang dalawa.
Tinapik ni Yohan ang balikat ni Wilson. “Magtayo ka na lang kaya ng sarili mong foundation, dude. Para sa less fortunates na mga babaeng gusto kang maka-date.”
“That’s a good idea,” pagsang-ayon ni Karson na halatang naaliw sa suggestion ni Yohan. “‘Dating for a Cause.’ How about that name for a foundation project?”
Napaisip si Wilson habang hinihimas ang baba. “Hindi kaya ako ma-haggard no’n? Sa dami ng gustong maka-date ako, baka umabot hanggang next lifetime `yong pila.”
His friends laughed. Makikitawa sana siya pero nahagip ng tingin niya ang isang babaeng nakatayo dalawang dipa mula sa kanila at nakatingala sa tarpaulin na tinatanggal.
Natigilan si Wilson. That girl… Of course, he knew who she was. Isa ito sa notorious personalities sa DLRU. Ang babaeng pinangingilagan ng lahat miski ng school bullies. She was that scary.
Vanna Salgado. A psychopath killer’s daughter.
Lahat ay naniniwalang tulad ito ng ama na isang psychopath. Kaya tingin pa lang ng babae ay nanginginig na ang schoolmates nila sa takot. Wala ni isang kaibigan si Vanna. Palaging mag-isa dahil walang gustong lumapit.
She indeed had that certain aura. The dangerous aura. Parang anytime ay dudukot na lang ito ng kutsilyo mula sa bulsa at mananaksak. Pagkatapos ay hahalaklak nang malakas habang pinanonood ang pagbulwak ng dugo mula sa mga butas na nilikha nito sa katawan ng biktima. At imbes na mandiri sa dugong nag-splash sa mukha nito ay ihihilamos pa iyon habang nangingisi at tumitirik ang mga mata.
“Dang it,” kusang lumabas mula sa bibig ni Wilson.
Huminto sa tawanan ang mga kaibigan. Mukhang nakatingin na rin ang mga ito sa tinitingnan niya.
“Why is Vanna looking at your tarp?” bulong ni Yohan na halatang curious.
“She’s,” mahinang tanong ni Karson, “not plotting to kill Wilson, is she?”
Halatang pinigil lang ni Yohan ang tawa.
Kusang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Wilson habang tinititigan ang profile ng babae. Come to think of it, Vanna was pretty. Everyone was so intimidated by her that they failed to notice her beauty.
“She’s probably,” sabi ni Wilson sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang tingin kay Vanna, “one of those who sulks over not winning the raffle.”
Maagap na tinutop ni Karson ang bibig para hindi matawa pero si Yohan ay hindi napigilan ang mapabuga ng halakhak. Binalingan ni Wilson ang mga kaibigan. “Ba’t kayo tumatawa? Ah… Iniisip n’yong imposibleng magkagusto siya sa opposite sex dahil walang puso ang mga psychopath?”
Imbes na sumagot ay nakita ni Wilson ang biglang panlalaki ng mga mata ni Yohan habang nakatingin sa ibabaw ng balikat niya.
“Shit, dude,” bulong ni Yohan na mukhang naalarma, “nakatingin na siya sa `tin.”
Lumingon si Wilson at nagtagpo ang mga mata nila ni Vanna. Ito yata ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng eye contact. And he did not find that fierce look in her eyes scary at all. Instead, he found it sexy.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Wilson. Kusang humakbang ang mga paa niya papunta sa babae. Hindi niya pinansin ang mahinang pag-awat ng mga kaibigan.
Nanatiling nakapaling sa kanya ang mukha ni Vanna hanggang sa tuluyan siyang nakalapit dito. Tinapunan ni Wilson ng tingin ang tarpaulin niya bago ibinalik sa babae ang mga mata.
“Did you buy a ticket to date me?”
She stared at him for a few seconds, as if digesting what he had just said. “Why would I waste my money on that?”
She was indeed savage. He was amused.
“Then why are you staring at my tarp?”
Ibinalik ni Vanna ang tingin sa tarpaulin na nakatupi na dahil nakalas na ang mga tali sa itaas. “Because it’s satisfying to watch it being taken down. It was such an eyesore. I had to endure walking into the lobby every day, seeing that tarp hanging at the entrance for two weeks.”
Ibinalik ni Vanna ang tingin sa kanya. Her soulless eyes stared at him with disinterest. Wala pang babae ang tumingin sa kanya nang ganoon. Pero imbes na ma-offend ay nakaramdam pa ng excitement si Wilson. Hindi niya alam pero may pakiramdam siyang hindi totoo sa loob nito ang mga sinabi. Tulad ng hindi siya naniniwalang kaya nitong pumatay na tulad ng ama nito.
This girl just wanted to get his attention. And she succeeded.
PINAGMASDAN ni Vanna ang reaksiyon ni Wilson sa sinabi niya. Usually, people would get hurt or mad whenever she opened her mouth. She rarely talked, but when she did, her words could stab as deep as knives. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit walang gustong kumausap sa kanya. Ginagawa rin niya iyon para layuan siya ng mga tao.
Hindi ang reaksiyon na inaasahan ni Vanna ang nakita niya sa mukha ni Wilson. Wala sa hitsura ng lalaki ang na-offend o nagalit sa pagiging blunt niya. Instead, mukhang naaliw pa ito.
“You don’t need,” confident na sabi ni Wilson, “to look up every time you walk into the lobby, but it seems like you could not help but take a glimpse at my picture. I know, right? It’s so hard to ignore me.”
Siya yata ang parang uminit ang ulo sa sinabi nito.
Hindi makapaniwala si Vanna na mayroon talagang taong ganoon kabilib sa sarili. Kilala si Wilson Navarro bilang isang narcissist. Guwapong-guwapo ito sa sarili.
Well, guwapo naman talaga ito pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong ipangalandakan iyon palagi. Surely, maraming babae ang nagkakandarapa sa modelo pero pakiramdam yata ni Wilson ay attracted dito ang buong female population ng Pilipinas. At mukhang miski siya ay iniisip ng lalaki na may gusto rito.
Other than his good looks, mukhang wala namang ibang dapat ika-attract kay Wilson. He did not excel in anything other than flaunting his handsome face and well-built physique. They said he was self-obsessed, superficial, and dense. Mukhang totoo naman.
She twitched her lips. “Okay ka lang?”
“I’m more than okay. I’m in excellent shape.”
“Do you realize you’re talking to a psychopath killer’s daughter?”
Ngumisi si Wilson. “I’d even talk to the psychopath killer himself if I had a chance.”
“So you’re saying you’re fearless?”
Tumitig ito sa kanya na para bang binabasa ang iniisip niya. “I just don’t see the reason why they’d fear you.”
Kusang umangat ang isang kilay ni Vanna. Tuluyan na siyang humarap sa lalaki. “Really? Haven’t you heard things about me aside from having the genes of a psychopath killer?” Naalala niya ang mga narinig kay Marie Tessa noong isang araw.
“Ah, those nasty rumors?”
Rumors. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong narinig ni Vanna na may taong tumawag ng “rumor” sa mga kumakalat tungkol sa kanya. Lahat kasi ay naniniwala sa mga iyon. Lahat ng tao sa paligid ay hinuhusgahan siya base sa mga naririnig kahit walang proof. Basta dahil anak siya ng isang mamamatay-tao ay automatic nang tunay ang mga tsismis na iyon para sa mga ito.
“How did you know they were mere rumors?” curious na tanong niya.
“Because I didn’t witness them myself. Anybody can easily twist anything.”
“Just because you didn’t witness it, doesn’t mean hindi na `yon totoo o nangyari.”
“Just because you’re a psychopath killer’s daughter doesn’t mean you can also kill a person. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ilag na ilag sila sa `yo. For me, you are just a regular introverted girl.”
Vanna snorted, secretly amused. Funny, si Wilson pa talaga ang nakabasa ng tunay na niyang pagkatao. She did not know if it was because of the fact that he was dense, kaya hindi ito mapag-isip nang masama sa kapwa. His life must be easy and uncomplicated. Kaya napaka-laid-back lang nito. Wala pa sigurong taong nakapanloko at nakapanakit dito. Kaya hindi ito cautious at distrustful sa mga tao sa paligid.
Poor Wilson was an innocent boy. He must have been too busy admiring his handsome reflection in the mirror that he was oblivious to what was happening around him.
Pinagmasdan ni Vanna ang pag-arko ng mga labi nito habang nakatitig sa kanya nang may kislap sa mga mata.
“Go out with me.”
Natigilan si Vanna. Tama ba ang narinig niya? Niyayaya ba siya ni Wilson na maka-date ito?
“You don’t need to buy a ticket and win a raffle,” patuloy nito nang hindi siya magsalita. “I’m personally asking you out on a date.”
Napatanga si Vanna. “What?”
“Do you want to watch a movie? Walk in the park? Have dinner in a fancy restaurant? Drink in a bar? Or we can do them all in a day.”
She gawked at him. “Are you kidding me?”
“I’ve never been serious.” Biglang naging mapang-akit ang mga mata ni Wilson. “See you this weekend?”
Vanna’s lips curled up in a smirk. Kung ibang babae lang siguro siya, baka pumayag agad siya. Why, this twerp was too good-looking. His broad shoulders were distracting. He smelled good.
Pero hindi siya ordinaryong babae. Wala siyang interes na makihalubilo sa mga tao sa paligid, lalo na ang makipag-date sa kahit sinong lalaki.
“I can’t even stand seeing your tarp hanging there. What made you think I’d want to torture myself by spending a day with you?”
Tumunog ang school bell. Binigyan niya ng isang subtle na irap ang overconfident na lalaki bago nagsimulang humakbang para lagpasan ito.