PAGPASOK ni Ashley sa headquarters ay naabutan niya sina Jig, Honey, at JR na nakaupo sa harap ng conference table.
Lahat ay in-scan ang kabuuan niya. Aside from her usual makeup, she was wearing a black fedora hat, a shiny black leather sweetheart corset on top of a sleeveless white polo with a short black tie, shiny black leather pants, and a pair of thigh-high black boots. Naka-ponytail ang long red hair niya pero hinayaan niya ang side bangs na halos nakatakip sa isa niyang mata. Hawak niya ang kanyang black coat. Kulang na lang ay magnifying glass.
Napanganga si Honey na para bang ngayon lang nakakita ng fashionable lady detective. Si JR ay kumislap ang mga mata as if nakakita na naman ng live anime female character. At si Jigs ay nag-isang linya ang mga kilay.
“Are you serious?” tanong ni Jig na halatang hindi na-impress sa outfit niya.
“Pumunta ka ba rito para mag-cosplay?” tanong ni Honey matapos magbuga ng hangin na para bang pinigilan lang ang tumawa.
“Erza Scarlet…” Napatayo pa si JR habang puno ng paghanga ang mga matang nakatitig sa kanya.
Sino naman `yong Erza Scarlet na `yon? Mukha ba talaga siyang anime sa paningin ni JR?
“No. I’m Agent Faye. And I’m ready to undergo my practical training.” Lumapit na siya sa mga kasama.
Tuluyan nang pinakawalan ni Honey ang pagtawa. “She’s funny.”
“Nobody wears like that during an investigation.” Sinapo ni Jig ang ulo na para bang biglang sumakit iyon.
“But if she’s doing undercover, it’s okay, right?” sabi ni JR na parang gusto siyang ipagtanggol.
“Kung,” sagot ni Honey kay JR, “sa isang cosplay event siya mag-a-undercover, pwede.”
Ashley exhaled. “Do you want me to look as dull as you, Agent Honey?”
Nabura ang ngisi ng female detective.
“Look at you. You only wear black and the same outfit repeatedly. I don’t want to sacrifice my fashion just because I switched jobs.”
Tumayo si Jig. “This isn’t a fashionable job. This is clandestine. So, hindi tayo puwedeng mapansin, hangaan, pagtinginan, o humatak ng atensiyon. Hinayaan lang kita sa pananamit mo these past few weeks kasi hindi ka pa naman sasalang. But you need to look and dress appropriately now.”
She snorted. Hindi raw puwedeng humatak ng atensiyon at hangaan pero ito mismo, masyadong pansinin ang kaguwapuhan. Kaya siguro masungit ay para hindi hangaan. Still, if that was the basis, he shouldn’t be a private investigator.
“That isn’t in the handbook,” reklamo niya.
Kung makatingin sa kanya si Jig, parang pinagdududahan nito kung may laman ang ulo niya. “Because that’s given.” Hinila nito ang jacket na nakasampay sa backrest ng upuan. “Come with me.”
Nang lumabas ito sa opisina ay sumunod si Ashley. Nang sumakay sila sa isang unmarked company car, akala niya ay magsisimula na sila sa practical training niya pero sa mall siya dinala ni Jig. Pumili ito ng damit na ipampapalit sa suot niya.
Isang navy blue plain polo blouse at black denim pants ang inabot nito sa kanya para isukat sa fitting room.
“Are you serious?” hindi makapaniwalang tanong ni Ashley habang hawak ang mga damit.
“Yes. Simula ngayon, ganyang klaseng mga damit lang ang puwede mong isuot. Bawal ang bright colors at pansining designs. Dark shades of blue, gray, brown, or black lang. Avoid anything that shows too much skin.” Tinapunan nito ng tingin ang naked forearm niya. “You can wear anything sleeved, like a t-shirt or a polo. `Wag sobrang fitted. Do not wear provocative shorts…”
“Teka nga. Private detective agency ba ang papasukin ko o kumbento?”
He looked bored. “Just do what I say, okay? If you want this job, take this seriously.” Pumunta ito sa shoes section para kuhanan siya ng isang pares ng black sneakers.
Parang gusto na lang niyang umiyak nang makapagpalit ng damit. Jig wanted to sabotage her fashion! Gusto siya nitong pagmukhaing baduy at dull, even duller than Honey’s looks.
Mula sa shopping area ay dinala siya ni Jig sa isang salon. Parang gusto niyang mag-alsa nang sabihan nito ang hairdresser na kulayan ng itim ang buhok niya. Gayunpaman, naisip niyang may point naman talaga ito. Pansinin ang kulay red niyang buhok. Nagbilin din si Jig na alisin ang makeup niya, especially, ang fake eyelashes, at tanggalin pati nail art at colored and gradeless contact lens niya.
Nawalan na ng lakas si Ashley na umalma pa. She just sat in front of the mirror, feeling depleted.
Pakiramdam niya ay hindi na siya si Ashley Hernandez nang matapos ang hairdresser sa trabaho sa kanya. Hindi na niya maalala kung kailan niya nakita ang sariling itim ang kulay ng buhok at kung kailan siya lumabas ng bahay nang bare faced.
Laglag ang mga balikat na pinuntahan na niya si Jig na naratnan niyang nagbabasa ng magazine sa lobby ng salon. Nang mag-angat ito ng tingin ay halatang natigilan ito nang makita siya. Nabitiwan pa nito ang hawak na magazine. He stared at her for so long as if he were mesmerized or something.
He stood up, still staring at her face. He was probably amazed by her transformation. Hindi siguro ito makapaniwalang ganoon pala ang hitsura niya without her vibrant hair colors and on fleek makeup. He must have been surprised to find out how basic she looked without those artificial beauty enhancers.
Malungkot na bumuntonghininga si Ashley. “`Happy?”