Haunted Love
- FOR PREORDER oNLY
- 20 Parts
- Romance, Fantasy, Comedy
A film director with the ability to see and sense ghosts. A makeup influencer constantly accompanied by a ghostly aura. A vengeful soul driven by an overwhelming thirst for revenge. A naughty ghost seeking to possess a living person to experience life once more.
Story Teaser
JOE, the film director
I’m not a normal person. Not only could I see and sense ghosts, I also once fell in love with a ghost named “Elena.” Three years after I last saw her, I met a living woman who looked exactly like her. But her personality is a far cry from Elena’s. She’s vain, superficial, and conceited—the kind of woman I don’t want to do anything with. But there is something sinister about her, and she had no idea about it. May mga multong sumusunod sa kanya. Out of curiosity, gusto kong alamin ang misteryo ng kababalaghang pumapalibot sa kanya.
LOVE, the Influencer
Imma famous makeup content creator for TikTok. Not to brag, pero ever since sumikat ako, dumagsa ang suitors ko. Nagkaroon din ako ng stalkers! Actually, pati nga isang sikat na film director, ini-stalk ako. May nalalaman pa siyang may ghostly presence daw surrounding me. Eme. Para-paraan para mapansin ko siya. Pero later, natagpuan ko na lang ang sarili kong napo-fall na sa kanya kahit dine-deny pa rin niyang may crush siya sa akin.
KARINA, ghost #1: the teacher
Fourteen years na ang nakalilipas simula nang namatay kami nang sabay ng nakababata kong kapatid pero hindi pa rin kami makatawid sa kabilang-buhay. Siguro ay dahil sa intense desire kong mapanagot ang pumatay sa amin. Kaya lang ay hindi namin alam kung sino ang killer dahil wala kaming maalala sa naganap nang araw na iyon. All we know is, may witness sa pamamaslang sa amin—ang fourteen-year-old teenage girl noon na ngayon ay isa nang twenty-eight-year-old makeup expert. Ang problema, nagkaroon siya ng partial amnesia. Tulad namin, nawala rin sa alaala niya ang nangyari nang araw na iyon.
ROXIE, ghost #2: the sexy star
Hindi ko pa rin matanggap na ang maalindog kong katawang pinagpapantasyan ng mga kalalakihan noon ay isa na lang usok. Kaya ayoko pang tumawid sa afterlife. Umaasa pa rin akong matututunan ko kung paano makasanib sa taong buhay at mabuhay uli sa ibang katauhan kahit na tutol ang masungit na matandang dalaga kong ateng epal sa lahat ng mga desisyon ko. Kailangan ko ng lalaki! Kailangan kong pawiin ang katigangan ko. Rawr!
Sample Chapter
JOE
I GO OVER the storyboard for the movie I’m working on in pre-production in a dimly lit room while suspenseful music plays in the background. Ito ang routine ko sa tuwing nagpaplano ako para sa isang project. Imina-match ko talaga sa genre ng pelikula ang music na pinakikinggan ko para mas ma-visualize ko ang bawat eksena.
As a film director, I shape the overall vision, style, and tone of the film. So, I need to stay creative and inspired all the time to create a well-crafted movie. The semi-darkness and the evocative music help set the atmosphere I want to create.
Habang pinararaanan ko ng tingin ang bawat panel sa storyboard ay para silang nabubuhay sa paningin ko. I carefully plan the shot compositions, camera angles, and movements in each sequence and ensure they align with the emotional depth of the story. I’m a detail-oriented, hands-on director, and I have a deep passion for filmmaking.
I’ve been directing indie films and writing screenplays for seven years, collaborating and co-producing with small production companies. Over those seven years, I’ve earned a few awards and produced two box-office hits. Still, kumpara sa ibang sikat na filmmakers, bagito pa rin ako. They said I should move into making mainstream movies to gain more exposure and be a bigger name in the industry. But I prefer creating indie films and choose not to transition into mainstream because I value the creative freedom that comes with working on independent projects.
Nag-focus ang tingin ko sa isang panel sa storyboard. Ito ang eksenang tumatakbo ang bidang babae palayo sa stalker niya. This is going to be an intense scene, and I can’t wait to see this come to life.
Napapikit ako para ipagpatuloy sa isip ko ang eksenang iyon sa script.
EXT. NIGHT – EMPTY STREET
A close-up shot of feet in motion, wearing a distinctly feminine pair of shoes, against a wet pavement as rain pours down. Immediately transitions into a tracking shot, capturing her knee-length skirt flailing as she runs. The feet steps into a puddle, causing water to splash. The shot shifts to a medium close-up of the female lead’s upper body as she glances over her shoulder while continuously running…
Bigla akong napadilat dahil sa imagination ko ay iba ang mukhang nakita ko at biglang nagbago ang environment sa eksena. Hindi na sa basang kalsada kundi sa pasilyo ng isang lumang bahay. At ang mukhang nakita ko, hindi ang artista kundi ang mukha ni Elena at kanyang magandang ngiti.
Elena…
I find myself staring blankly at nowhere. It’s been a while since I thought about Elena. I’m not sure why she suddenly pops up in my mind. Ang eksenang iyon ang panaginip na paulit-ulit kong nakita noon bago ko siya nakilala. Siguro ay dahil pareho silang tumatakbo ng bida sa eksenang iyon sa pelikulang gagawin ko.
It’s been three years since I met her, and I’ve never seen her since. Nawala na ang mga kaluluwa ng tatlong babae sa lumang mansiyon sa Laguna. Noong huli kong punta roon, wala na akong naramdaman ni katiting na ghostly presence. Ang huli kong balita, ibinenta na ang bahay na iyon nang masiguro ng may-ari na wala nang nagmumulto pa roon. Giniba na iyon ng nakabili para patayuan ng bago.
Walang ibang nakaalam ng tunay na nangyari sa bahay na iyon several years ago kundi kaming tatlo lang nina Kiel at Mikay. Sigurado kaming nasa maayos nang kalagayan ang tatlong babae. Naroon na sila sa lugar kung saan sila nararapat.
I know Elena is already happy now. Hindi ko naman talaga siya nakalimutan. Paano ko makakalimutan ang isang kakaibang karanasang umibig sa isang kaluluwa? She has become a fond memory for me. But I’ve moved on. Hindi ko na siya naiisip… until today.
Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng maliit na bodega sa pad ko at hinuhugot sa pinagtaguan ko ang painting ni Elena na itinabi ko roon. Noong ibinigay niya iyon sa akin, i-d-in-isplay ko iyon sa living room ko. Pero kalaunan, nagpasya akong itago na lang sa bodega para matulungan ko ang sariling maka-move sa alaala niya.
I couldn’t possibly continue to have feelings for a dead person.
Pinaraan ko ang mga daliri ko sa painted canvas at parang montage sa isang pelikulang nag-flashback sa isip ko nang pahapyaw ang lahat ng mga sandaling nakasama ko si Elena. Hindi ko alam kung nagkaroon din siya ng espesyal na pagtingin sa akin noon o kung posible pang makadama ng ganoon ang isang kaluluwa. Ang alam ko lang, masaya ako na nakilala ko siya at alam kong ganoon din siya.
Lumabas ako sa bodega na dala ang painting. It wouldn’t hurt to display it again in my living room. Napakaganda nito para itago lang.
Pagkatapos kong titigan nang sandali ang painting na isinabit ko sa likuran ng couch ay bumalik na ako sa desk ko para ipagpatuloy ang ginagawa. Pero saglit pa lang akong nakakabalik sa trabaho nang may marinig akong kumalabog.
Napadiretso ako ng upo at lumikot ang tingin sa paligid. In-off ko ang music at pinakinggan kung may kakalabog uli. I hear a movement coming from somewhere in the house. May espirito bang nakapasok sa bahay ko? I’ve been here for years. I never sensed or seen a ghost here.
Simula nang pabuksan ko uli ang third eye ko, nakakaramdam at nakakakita na ako ng ghosts. Noong una, naging fascinated ako sa pambihirang kakayahan ko. In fact, nakagawa ako ng dalawang horror films dahil dito.
I discovered that not all ghosts are interactive like Elena. Most of them mind their own business and do not want to show themselves or interact with the living people. They also take on different forms. May mists lang, swirling funnels, orbs, et cetera. Karamihan ay walang bibig. Walang mukha. They cannot communicate. Bukod kay Elena, dalawang kaluluwa lang ang nakausap ko. Isang matandang babae at isang bata.
Kaya nang lumaon, I got tired of it. I lost interest. In fact, binabalak ko nang ipasara uli ang third eye ko. Dumating na ako sa puntong wala na akong pakialam sa mga nakikita at nararamdaman kong mga multo sa paligid. Ni hindi ko na sila tinitingnan pa.
But this is my damn house. I don’t want my house to be invaded by some ghosts.
Tatayo na sana ako para hanapin kung nasaan ang multo pero hindi ako nakagalaw dahil nakarinig ako ng pag-ingit ng pinto at mga yabag.
This ghost has feet that can touch the ground, and it can move objects. Is it a poltergeist?
Papalapit ang mga yabag kaya hinintay ko na lang at baka magpakita sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng anino sa sahig. Kailan pa nagkaroon ng anino ang isang multo?
Finally, tumambad sa paningin ko ang may-ari ng mga yabag. I exhaled in disbelief.
“What the heck are you doing here?” tanong ko.
Ngumisi si Rex pagkatapos humikab. Pupungas-pungas siyang humakbang palapit sa akin. Nag-inat-inat pa siya sa harapan ng desk ko. I’m not sure if he’s lowkey showing off his triceps or what. Nakasuot lang siya ng sando at boxer shorts.
“Nakalimutan mo na ba? You gave me your door’s passcode.”
I think that was a year ago. Noong sa kanya ako nagpabili ng treadmill for home use. Hindi ako nakauwi dahil nagkaroon ng delays sa shoot kaya sinabi ko sa kanya ang passcode para maipasok ang equipment sa bahay ko.
“Natulog ka sa guest room ko?” Hindi ko siya nakita nang dumating ako two hours ago.
Hindi ako makapaniwalang pumasok si Rex sa bahay ko nang walang paalam. I mean, he’s my cousin’s best friend. I consider him a distant friend, but we’re not close enough to let him break into my place like how he did Kiel’s.
Tumango siya. “And I loved it. Kaya mula ngayon, palagi na akong makikitulog dito sa pad mo, my new best friend.”
“What?” B-Best friend?
He suddenly looks mad. “I’m ditching Kiel. Fuck that bastard! ‘Sabi niya noon, mag-aasawa siya kapag forty na siya. Noong naging sila ni Mikay, sabi niya, kapag thirty-five na siya. Pero nagpakasal siya nang thirty-one. Thirty-one, Dude! He’s too young to settle down! Hindi siya tumupad sa sinabi niya. Iniwan agad niya ako. Paano na ‘ko ngayon? Hindi ko na siya puwedeng makasama palagi dahil pamilyadong tao na siya. Bubungangaan na siya ni Mikay kapag nag-bar at nag-inom-inom pa siya kasama barkada. ‘Tapos sabi pa niya, gusto na agad niyang magka-baby. Eh, ‘di lalong mawawalan na siya ng panahon sa ‘kin. That fucking dick is so fucking whipped. What now, dude? Our friendship is ruined! I fucking hate that moron, man! Ayoko na siyang maging best friend!”
Pinigilan ko ang mapangiti. Rex’s immaturity amuses me a lot. Buti nga si Kiel ay nag-mature na nang makilala si Mikay.
“Parang late ka na yata nagtampo. Tapos na kasal nila. Nasa honeymoon na nga sila ngayon.”
Sa totoo lang, hindi rin ako makapaniwalang lumagay agad sa tahimik si Kiel, considering his dating history. But that dude was so in love with Mikay. Naalala ko pa noong inamin niya sa akin na nagbabalak na siyang mag-propose ng kasal sa girlfriend. Tinanong ko siya kung sigurado na ba siyang gusto na niyang mag-asawa agad. Puwede naman niyang patagalin muna nang kaunti para mas makasiguro siyang gusto na niyang pasukin ang ganoon kaseryosong bagay. What he told me etched in my mind.
“Life is short, man. I don’t want to die without knowing how it feels to be Mikay’s husband, to live under one roof with her, to have kids and have my own family. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo mabubuhay. If I don’t do it now, I might not get a chance to. Ayokong maging ghost na may unfinished business at maraming pagsisisi sa buhay. And besides, I’m really in love this time, dude. She’s the one.”
I kind of envy him that moment. I also want to fall in love again and meet the one. But I’m not even sure if there is someone meant for me in this world. No one has caught my attention since Elena.
“Matagal na ‘kong nagtampo,” nakasimangot na sagot ni Rex. “Noong nag-propose pa lang siya kay Mikay noong isang taon. But I didn’t rain on his parade. Kasi sobrang saya niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasaya. Ngayon lang totally nag-sink in sa ‘kin na pinabayaan na talaga ako ng best friend ko. I sent him a chat message yesterday. Hanggang ngayon, walang reply. Seen lang. I’m fucking seenzoned! I’m abandoned, dude. He discarded me now that he has found true love. I’m so fucking hurt.” Ginulo pa niya ang magulo nang buhok na galing sa pagtulog.
Itinukod ko ang siko sa edge ng desk at tinakpan ang bibig para hindi niya makita ang ngiting hindi ko na napigilan dahil sa hitsura niya. Kiel is on honeymoon. Hindi dapat istorbohin ni Rex ang kaibigan pero hindi yata uso sa kanya ang personal space.
“Hindi ko na siya papansinin pag-uwi niya. He’s out of my life from now on. That’s why I’m here now. I’m sure you also feel abandoned by Kiel because you’re his closest cousin. You’re practically brothers…”
I don’t know what Rex is talking about. I don’t really care if Kiel won’t hang out with me anymore as long as he’s happy with his new life.
“I know how you feel. We feel the same way. You know, misery loves company. I realize we can be really, really close, Joe. You and I…” Pinaglipat-lipat pa ni Rex ang pagturo sa sarili at sa akin. “Let’s both ditch Kiel and be the best of friends from now on.”
No ‘effin way. I’ve had enough of Kiel’s crazy antics. But, at least, alam kong sinasadya lang ng pinsan ko na maging siraulo to entertain himself. But Rex, being a real fool, will surely mess my head. I didn’t live for this crap.
Napahilamos ako ng palad. “Will you do me a favor, Rex? Will you get your clothes and leave right now?”
Mukhang natigilan si Rex. “What? Are you rejecting me, dude?”
Napabuntong-hininga ako. “Bumalik ka na lang kapag hindi ka na takot sa ghosts.”
Ngumanga siya na parang bang na-hurt. “What are you talking about? Pati ba naman ikaw, Joe? Some of my ex-girlfriends dumped me for my phobia of ghosts. What is wrong with you?”
“Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Kiel na may third eye ako?”
He paused for a few seconds. “T-Third eye? You mean…”
“I can see ghosts. They even talk to me sometimes.”
“No way!” Umatras ng isang hakbang si Rex.
“Yes, Rex. You can even ask Mikay and my mom. They can confirm it. Nabuksan ‘yong third eye ko three years ago. Kaya rin nakagawa ako ng dalawang horror films na makatotohanan. It’s because I can really see and talk to them. Kaya kung takot ka sa multo, you can’t possibly hang out with someone like me na lapitin ng ghosts. Baka kasi kung ano’ng mangyari sa ‘yo kapag magkasama tayo ‘tapos bigla na lang maramdaman mong lumamig kasi may tumabi sa ‘king—”
“Stop it!” Rex yelled. Tuluyan na siyang napaatras. “Fuck!” Tumakbo siya at nawala na sa paningin ko.
Pinakapigilan ko ang matawa. Rex is very entertaining. I can understand why Kiel loves to make fun of his friend. Pero ayokong gayahin ang pinsan ko. I don’t want to constantly make fun of Rex’s phobia of ghosts.
Ilang saglit pa, nagpakita uli si Rex. Nakasuot na ng maayos na damit at patakbong pumunta sa pinto para lumabas ng pad ko.
Hindi ko na muna ipapasara ang third eye ko dahil balikan ako ni Rex para piliting gawing best friend niya.
waiting po for ebook nito at ung campus girls Ms.Heart