I Want to Die but I Want to Eat Kwek-kwek

A suicidal girl meets a laid-back guy who encourages her to briefly explore and experience life before ending it.

#hystories

Story Teaser

I wanted to die. I could not stand this world anymore.

In my seventeen years of existence, nakita at naranasan ko kung gaano kalupit ang mundo.

Life sucks. Kaya naman nag-decide akong tapusin na ang buhay ko bago pa ako tuluyang magalit sa mundo. Nabura na dapat ang existence ko sa earth kung hindi umeksena ang isang jologs but cute guy na nakita ko sa tulay nang gabing iyon.

Parang ang sarap ng kinakain niya. He said it was a street food. Hindi pa ako nakakatikim no’n. At nang matikman ko, nakalimutan ko ang balak kong gawin nang araw na iyon.

“Gusto mo pa? Mamaya ka na tumalon sa tulay, libre muna kita ng kwek-kwek,” aya niya.

Before I knew it, nasa harapan na ako ng unsanitary mini-food cart at tumutusok ng kwek-kwek.

Saka ko na tatapusin ang buhay ko. Magpapakabusog na muna ako sa street foods na ngayon ko lang natikman sa buong buhay ko.

Preview

I WANT to die.

I’ve decided to end everything tonight.

Habang nakadikit ako sa baluster ng tulay at nakatingin sa madilim na tubig sa ibaba, inisa-isa ko sa isip kung ano ang mga natuklasan ko tungkol sa buhay, in my seventeen years of existence.

The world sucks. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mabuhay ang mga tao sa ganitong klaseng mundo. Almost everything is controlled by money and power. The world is so cruel, especially to the poor and underprivileged. I mean, yes, I was born rich. But I lack a lot of things. Makapangyarihan nga ang pera sa mundong ito, but ironically, the best and purest things in life are often without a price tag.

People suck. Most are fakes and lack humanity. Napakaraming masasamang tao sa mundo. They will fool you, hurt you, and even cause your demise. Kung hindi ka magkakasakit o maaaksidente, mamamatay ka sa kamay nila.

Society sucks. Tatanggapin ka lang nila kapag inayon mo ang pamumuhay mo sa idinidikta nila. You can’t even live your life the way you want to because they will judge you for every life decision that doesn’t adhere to their norms.

Life sucks. Palagi kang pahihirapan ng mga problemang dating lang nang dating. Ang daming sakit na nag-e-exist—from viruses to cancer. You can’t even eat the best-tasting foods, kasi magkakasakit ka. I mean, it’s so ironic. Just when you feel happiness in your heart from eating pork lechon, you get heart disease in the long run.

Everything in this world sucks. Kung meron mang magagandang bagay, sa dami ng hindi magaganda, natatabunan iyon. Happiness is typically not a pushover. Paimbabaw at pansamantalang kasiyahan lang ang madalas na nararanasan ng maraming tao. There will come a time when they suffer until they die a painful death.

But the good thing is that we have a choice if we want to suck it up or opt out.

I’m opting out. I’m putting an end to this shit called “life.”

Namalayan ko na lang na nakatapak na ako sa baluster at mahigit na sa kalahati ng katawan ko ang nakaangat doon. Oo, marunong akong lumangoy. Pero hindi ako lalangoy kapag nahulog na ako sa river. Isa pa, sa dumi ng tubig doon, mamamatay agad ako sa germs.

So, paano? Goodbye, world? I know I wouldn’t regret doing this. Why would I regret getting out of a fucked-up world? Why would you continue living if you’re not happy anymore? There is no sense in enduring all of life’s troubles just to live.

I was about to lift my feet over the baluster but froze when I heard someone clearing his throat. Napabaling ako sa lalaking nakatayo sa harap ng baluster, two meters away from me. I think kasing-edad ko lang siya pero, definitely, mas matangkad siya sa akin. Nakasuot lang siya ng black T-shirt, shorts na hanggang tuhod at tsinelas. Hindi siya mukhang rich kid pero hindi naman mukhang dugyot. Hindi rin siya mukhang batang kriminal.

Nakatingin siya sa akin pero walang ekspresyon ang mukha niya. Noong pumuwesto ako roon, siniguro kong walang ibang tao sa sidewalk ng tulay. Without a word, tumusok siya ng kung ano gamit ang wooden skewer mula sa hawak na maliit na plastic cup at isinubo iyon.

I watched him chew with gusto. Halatang sarap na sarap siya sa kinakain niya. Narinig ko pa ang pag-“mmm” niya. May time pa talaga akong ma-curious kung bakit imbes na inumin ay pagkain ang laman ng plastic cup na hawak niya.

“Gusto mo?” kaswal na tanong ng lalaki. Tumusok uli siya at inalok sa akin ang skewer. May nakatuhog doong maliliit na bilog na kulay orange na may nakadikit na sticky sauce.

Napatitig ako sa pagkaing iyon. What the hell is that thing? I haven’t seen food like that before. Is that some finger food covered with orange caviar?

Nagsimula siyang humakbang palapit sa akin para siguro makita ko nang husto ang iniaabot niya. Nakita siguro niya ang pagkunot ng noo ko habang nakatingin sa pagkain. No, definitely not caviar.

“Ngayon ka lang nakakita nito?” tanong niya na may kasamang snort. Halata ang pagkaaliw sa mukha niya. “Hindi ka pa siguro nakakakain ng street foods. Rich kid ka siguro.”

Rich kid. I snorted. Kapag sinabing “rich kid,” maarte na agad, spoiled brat, picky eater, at hindi nakikihalubilo sa mga mahihirap. Pero tama naman siya sa parteng hindi pa ako nakakakain ng street foods. Well, nakakain na ako ng fish balls once pero homemade iyon. Ginawa ng cook namin sa bahay. Fish balls lang ang alam kong street foods.

“Try mo,” suggestion ng lalaki. “Sobrang sarap.”

“Ano `yan?” out of curiosity ay tanong ko.

“Kwek-kwek.”

“Kwek-kwek?” What a weird-sounding name for a food.

“Itlog ng pugo na binalutan ng harina.”

“Pugo?”

“Ano nga ba sa Ingles `yong pugo?” Halatang nag-isip siya. “Quail ba `yon? Quail eggs yata.” Iginalaw niya ang hawak na skewer. “Tikman mo. Baka magustuhan mo.”

Namalayan ko na lang na nakalapag na ang mga paa ko sa pavement. Kung hindi ko tatanggapin iyon, baka kantiyawan niya akong “rich kid.” I hate hearing people call me that. Para kasing derogatory term na iyon. Like it’s synonymous with “spoiled brat.”

My dad told me not to eat poor people’s food. He probably meant “street foods.” Marumi raw kasi iyon dahil bukod sa open sa lahat ng germs sa labas ay unsanitary ang pagkakaluto at nilulutuan. Magkakasakit daw ako, mapu-food poison. Nakakamatay raw ang E. Coli. He also told me not to accept food from strangers because it might contain poison.

But what the heck? I am about to kill myself tonight. Kaya okay lang kahit kumain ako nang marumi o may lason. Or maybe I should just kill myself with contaminated foods instead of drowning myself.

Tinanggap ko ang skewer at isinubo ang nakatusok doon. Habang ngumunguya ay kusang nanlaki ang mga mata ko. This actually tasted so good! I haven’t eaten something like this. Nakakain na ako ng quail eggs pero hindi iyon ganito kasarap sa pagkakatanda ko. Hindi ko alam kung ang harinang kulay orange o ang sweet and spicy sauce ang nagpasarap doon pero baka sadyang masarap sila kapag pinagsama-sama ang flavors.

Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay bahayang nakataas ang isang sulok ng mga labi niya habang nakatitig sa akin. I think na-amuse siya sa reaksiyon ko.

“Masarap, `di ba?”

Tumango ako. I want more! Napatingin ako sa plastic cup na hawak niya. May laman pa iyon.

Tuluyan nang ngumiti ang lalaki at iniabot sa akin ang plastic cup. “Sa `yo na lahat kung gusto mo.”

Hindi ako nag-atubiling tanggapin ang plastic cup. Naubos ko agad ang limang pirasong laman niyon. Habang kumakain ako ng kwek-kwek, naramdaman ko uli iyong feeling na nararamdaman ko kapag kumakain ako ng comfort foods ko. Well, they used to bring me comfort and temporary happiness, but I lost that feeling recently. Pero, surprisingly, bumalik ang pakiramdam na iyon habang kinakain ko ang kwek-kwek.

It felt good that, for a moment, nakalimutan kong nandoon ako para tumalon sa tulay na iyon. Now all I want is to eat more kwek-kwek. I want this feeling to last a little longer. I’ve missed this feeling. I missed being happy, even for a moment.

“Gusto mo pa?” tanong ng lalaki.

Tumango na lang ako.

“Tara, bili tayo. Mamaya ka na tumalon sa tulay, libre muna kitang kwek-kwek.”

Namalayan ko na lang na sumasama na ako sa kanya.


I STARED at the empty plastic cup that I was holding. Then my eyes moved toward the skewer on my other hand. I guess hindi ako makapaniwala na naubos ko nang ganoon kabilis ang kwek-kwek sa plastic cup. At habang kumakain ako, nakalimutan ko ang lahat. Like I was temporarily taken to a delightful place I have never been to.

It was a unique gastronomic experience. I realized just now that delicious food doesn’t have to be fancy and expensive. I could easily devour caviar and wagyu beef that I didn’t know this interesting food called ‘kwek-kwek’ existed.

“Gusto mo pa?”

Napatingin ako sa lalaking nagdala sa akin sa tapat ng isang food cart kung saan niya binili ang street food na ibinigay sa akin. Ni hindi ko alam ang pangalan niya pero inilibre na niya ako ng dalawang cup ng kwek-kwek. Tumango na lang ako dahil gusto ko pa pero wala akong pambili. I went out of the house without carrying anything other than myself. I left my purse and cellphone at home because I didn’t think I’d need them while taking my own life.

“Manong, isang order pa nga,” sabi niya sa middle-aged man na nasa likod ng food cart.

I observed the food cart while I waited for food. It was unsanitary. But it would probably do me a favor if there was Salmonella or E. coli there. If I die after I eat this delicious street food, at least I was happy for a moment.

The guy faced me with a smile after he took the cup from the vendor. “Sweet and spicy sauce uli?”

Tumango ako. The sweetness and spiciness of the sauce were perfect.

Pinanood ko ang pagsandok niya ng sauce. I could not explain this feeling I have as I watch the kwek-kwek being covered by the thick sauce. I did not remember craving food this much. Maybe because this would be my last meal before I die.

Tinanggap ko agad ang plastic cup. I finished the food in just a few seconds. The guy had been watching me like he was watching an amusing “mukbang” vlog.

“Isang round pa ng kwek-kwek o gusto mong subukan `yong iba?” tanong niya.

Bumalik ang tingin ko sa mga nakahain sa food cart. Tatlong klase lang ang tinitinda ng street food vendor. I recognized the fish balls right away. Itinuro ko ang katabi ng fish balls. “Ano `to?”

“Kikiam.”

“Kikiam? Are you sure? I think nakakain na ako ng kikiam sa isang Chinese restaurant. This is nothing like it. It was longer and textured.”

“Sosyal na kikiam `yong nakain mo. Gawang Chinese. Ito `yong Pinoy street food na kikiam.”

“Really?”

Tumango siya.

“It tasted like fish,” I commented after I ate a piece.

“Gawa kasi sa karne `yong Chinese kikiam. `Yan naman, gawa sa isda.”

“It has a decent taste, though. Masarap din naman.”

“Malamang hindi ka pa nakakain ng isaw. Sayang, walang isaw si Manong.”

I have heard about “isaw.” It was grilled chicken intestine. Umiling ako. “Masarap ba `yon?”

“Sobra.”

I got curious. I also wanted to taste it. But wait a minute, why am I thinking about food right now? Wasn’t I supposed to end my life tonight?

“Gusto mong pumunta sa talipapa?” tanong niya.

“Talipapa?”

“Sa labas ng dry and wet market. Doon, maraming street foods. Iba’t-ibang klase. Magsasawa ka sa dami.”

For a moment, I felt like I wanted to let him take me there, but I held myself back. This wasn’t in the plan. Wala akong planong mag-food trip before I die. I need to get things done tonight.

“No, thanks.” Itinapon ko ang empty plastic cup sa garbage bag na nakasabit sa gilid ng food cart. “Kailangan ko nang bumalik sa tulay.”

“Bakit?”

“Ano sa tingin mo? I was about to jump, but you interrupted me.”

“Bakit ka nga pala tatalon do’n?” he asked casually.

Kumunot ang noo ko. Is he stupid? Do I need to tell him I was about to kill myself? “I’m jumping to die.”

He stared at me for a moment before a grin formed on his lips.

“Para kang tanga. Magpapakamatay ka talaga kanina?”

Kakaiba magsalita ang lalaking ito sa mga nakakasalamuha ko. Ganito yata talaga magsalita ang mga taong lumaki sa kalye. Kanto-style talking, as they call it. Masyado din siyang casual at komportable. Ni hindi kami magkakilala pero tinawag na agad niya akong “parang tanga.”

“Bakit doon pa?” he continued. “Ambaho at andumi ng tubig doon. Gusto mong mamatay sa baho? Kakaiba din trip mo, ah.”

I wanted to think he’s making fun of me. But he’s too casual to be doing it. It was more like he was just being frank.

“Kung ako sa `yo, `wag doon. Andaming paraan para mamatay. Mamili ka naman ng maayos-ayos. `Yong maganda ka pa rin kapag inilagay ka na sa ataul.”

Napatitig ako sa kanya. A normal person would tell me not to kill myself. But this guy was talking about suicide so casually.

“Hindi mo ako pinipigilang magpakamatay?” I curiously asked.

“Bakit? Magpapapigil ka ba?”

Umiling ako. I’ve made up my mind. Walang kahit sinong makakapigil sa akin sa plano kong wakasan na ang existence ko sa mundong ito.

“`Yon pala, eh. Hindi mo rin naman ako kilala. Kaya ba’t ka magpapapigil sa `kin? Saka buhay mo `yan. Mahirap manghimasok sa buhay ng iba.”

“Eh, ba’t mo `ko inistorbo sa pagtalon sa tulay kanina?”

“Curious lang siguro ako kung tatalon ka talaga doon o nakasinghot ka lang.”

“Nakasinghot?” I asked, confused by what he meant.

“Ano ba’ng tinitira n’yong mayayaman? Ecstacy ba `yon?”

Ecstacy pill? As in recreational drugs?

Nanlaki ang mga mata ko. “I don’t do drugs!”

Ngumisi lang siya.

This guy was something else. I guess hindi ko siya kailangang layuan dahil wala siyang balak na pigilin ako sa gusto kong gawin. I have wanted to speak to someone who would be open to talking about suicide as if it were a normal thing to do.

“Since you suggested that I change the way I kill myself, do you have any suggestions in mind?”

Ang tagal niyang tumitig sa akin bago siya bumulanghit ng tawa.

“Ano’ng nakakatawa?”

“Seryoso ka talaga?”

“I’m dead serious.”

He continued to laugh. I realized I was already glaring at him. I guess I need to take it back. Ayoko nang makipag-usap sa kahit sino tungkol sa balak ko. “Forget it.” Tinalikuran ko na lang siya at naglakad na akong palayo, pabalik sa tulay.

Pero nang nasa tulay na ako, nakita ko uli ang lalaki. Apparently, sinundan niya ako pabalik doon. He stood two meters away from me.

“What?”

He did not look as if he was concerned or anything. I wondered why he needed to follow me there.

“Kapag nagpakamatay ka, mapupunta ka sa impyerno.”

Hindi ko napigilan ang pag-roll ng mga mata ko sa sinabi niya. “That is not true. Walang impyerno sa ilalim ng lupa. Kasi dito mismo `yon sa lupa. This is hell. Ito mismo `yong impyerno. The thing they called ‘life’ is exactly what being in hell is about.”

Tumitig siya sa akin nang nakakunot ang noo. He suddenly looked intrigued. Finally, seseryosohin na ba niya ang pagtatangka kong mag-suicide?

“Gaano ba kalupit `yong naging buhay mo sa mundong ito para masabi mo `yan?” tanong niya.

Matagal bago ako sumagot. “Do I need to experience all the shits in this world just to realize this world is indeed hellish? People around us are suffering every day. Nobody is ever completely happy. Some may look like they enjoy life, but everyone is suffering inside. Happiness is just temporary, and you need to either be lucky or work your ass off to achieve or regularly experience that temporary joy. We are all just pretending to be enjoying this damn life.”

Nakatanga lang siya sa akin na parang namangha sa thoughts ko.

“Teka lang, miss, ah,” finally, he said. “Dahan-dahan lang naman sa Ingles. Imbes na maintindihan ko mga himutok mo, dudugo lang ilong ko sa `yo. Ang mabuti pa, kumain ka muna uli ng kwek-kwek para panandalian kang sumaya.”

Napatingin ako sa plastic cup na inaabot niya. May isa pa sa kabilang kamay niya. Wala sa loob na tinanggap ko ang plastic cup.

Tama siya. This street food was able to give me temporary happiness, surprisingly.

“Hindi mo kailangang maging masuwerte o magpakahirap para makakain niyan. Sa mundo ko, hindi kailangang maging engrande ang isang bagay para makapagpasaya.”

Sinimulan niyang tusukin ang kwek-kwek sa hawak niyang plastic cup. I watched him smile before he stuffed a kwek-kwek into his mouth. Siguro, hindi ganoon kalupit ang mundo para sa kanya kaya parang ang laidback lang niya at walang inaalala sa buhay.

“I wish I had a life as simple and undemanding as yours. I wish I had a mind as healthy as yours.”

Ngumiti siya. Inubos muna niya ang laman ng plastic cup bago nagsalita.

“Kung hindi ka masaya sa mundo mo, baka hindi ka para diyan. Baka nasa maling mundo ka.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Try mo sa ibang mundo. Sa mundo ko, halimbawa. Malay mo, dito mo mahanap `yong sayang hinahanap mo na hindi mo maranasan sa buhay mo ngayon.”

I stared at him for a few seconds as I realized things. This Kwek-kwek was new to me, and I didn’t expect it would make me temporarily forget about dying. Marami pa sigurong mga bagay sa mundo niya ang hindi ko pa alam na nag-e-exist at never pang naranasan.

What if he was right? What if I am about to discover great things if I delve into his world? Hindi ko inaasahan ang munting excitement na bumangon sa dibdib ko.

Napatingin ako sa madilim na tubig sa ibaba. But I was supposed to die tonight.

Should I reschedule my death?

“Ano’ng meron sa mundo mo?” namalayan ko na lang na itinatanong ko habang nakatitig sa ibaba.

“`Yong mga wala sa mundo mo.”

“Tulad ng?”

“Kwek-kwek.”

I realized a faint smile formed on my lips. I would never have tasted it if I hadn’t met this guy.

“Ganoon kasimple pero masarap din naman.”

“Pero panandalian lang,” sabi ko. “May naramdaman akong konting saya habang kumakain ng kwek-kwek pero nawala rin agad.”

“Ganoon naman talaga ang buhay, `di ba? Hindi laging masaya. Minsan malungkot, minsan steady lang. Hindi malungkot pero hindi rin naman masaya.”

“Do you not question why life is like that?” I curiously asked. “Why we need to be sad. Why we need to face hardships. Puwede namang hindi. Puwede namang masaya na lang tayo palagi. Puwede namang wala tayong problema at walang accidents and illnesses. Puwede namang hindi nagugutom at hindi kailangan ng pera para mabuhay.”

Bigla na lang siya tumawa kaya napabaling tuloy ako sa kanya.

“Ano’ng nakakatawa?”

“Hindi mundo ang sinasabi mo. Pantasya.”

Halata ang amusement sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Iniisip siguro niyang bukod sa depressed ay nababaliw din ako.

Is it too much to ask for a wonderful life for everyone? Ako lang ba ang nakakaisip ng mga ganito o sanay na ang mga tao sa kinagisnan nilang mundo?

“Mukhang hindi ka naman nagugutom.” Halata ang curiosity sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Mukhang wala ka ring problema sa pera kasi halatang mamahalin `yang kuwintas mo.” Tinapunan niya ng tingin ang suot kong gold necklace. “Halatang rich kid ka.”

Napahawak ako sa butterfly pendant ng kuwintas. This was given to me by my mom. Sinadya kong isuot ito para kahit sakaling ma-deform ang mukha ko sa pagkalunod, ma-recognize pa rin ng daddy ko ang lifeless body ko.

“May malubhang sakit ka ba?” Mukhang seryoso na ang lalaki. “O may naaksidente sa pamilya mo?”

“Depressed ako.”

Mukhang hindi naman siya nabigla sa isinagot ko dahil halata naman siguro.

“Ang ibig kong sabihin…” Halatang sinadya niyang mag-pause. “`Yong mga sinabi mo kanina, akala ko, sariling experience mo. Bakit mo ba kailangang problemahin ang buhay ng ibang tao? Ano naman sa `yo kung may pinagdadaanan sila? Kung nagugutom o may sakit sila?”

“I am an empath.”

I am highly attuned to the energies and emotions of those around me. I feel and absorb what they feel, and I get so affected easily and deeply. Ang sabi ng psychiatrist ko, ito ang most probable reason kung bakit ako naging melancholic.

Empat?” Nakakunot ang noo ng lalaki. “Ano `yon?”

“Parang… masyado akong maawain. Naaapektuhan ako sa paghihirap ng ibang tao kahit hindi ko kilala. Na-absorb ko `yong emotions nila to the point na parang nararanasan ko na rin `yong nangyayari sa kanila.”

He looked a bit taken aback. His lips were slightly parted. Then he looked suddenly pensive. After a while, he shook his head.

“Kaya ka na-depress dahil dinadamdam mo lahat ng problema ng ibang tao?” Halatang hindi siya makapaniwala. Nagbuga siya ng hangin. “Wala ka bang sariling mga problema kaya inaabala mo `yong sarili mo sa problema ng ibang tao?”

“It’s not like I wanted to feel it or become like this.” Ibinalik ko ang tanaw sa tubig. “After I lost my mom, I suddenly became hypersensitive. It opened my eyes and made me see how flawed life is and how terrible the world is.”

Wala akong narinig na reaction mula sa lalaki kaya ipinihit ko ang ulo ko para tingnan siya. Nakatingin na rin siya sa river sa ibaba ng tulay pero parang wala naman doon ang sight niya. Na-curious tuloy ako dahil seryoso ang mukha niya. Naka-relate ba siya? Did he also happen to lose his mother early?

“Teka,” I continued, “ano nga pala ang ginagawa mo rito sa bridge kanina? Don’t tell me may balak ka ring tumalon?”

Saka lang niya ibinalik ang tingin sa akin. Mukhang naimposiblehan siya sa sinabi ko.

“Ako, tatalon dito?” He snorted. “Ayokong mamatay nang mabaho. At saka wala akong balak na patayin ang sarili ko. Ayokong mapunta sa impyerno.”

I exhaled harshly. “If there is indeed hell, I don’t think it’s any different from here.”

“Kung wala ako rito kanina, nandoon ka na ba sa ibaba ngayon?” He sounded casual again.

Nag-lean ako sa baluster para magkaroon ng mas maayos na view sa binagsakan ko dapat kanina kung hindi ako inalok ng kwek-kwek ng lalaking ito. “More likely.”

“Desidido ka na talaga?”

“I don’t want to live anymore.”

“Ilang taon ka na ba?”

“Seventeen.”

“Seventeen! Ang dami mo pa sigurong hindi nararanasan sa buhay.”

Yes. I wouldn’t graduate from college. I wouldn’t even reach college. I wouldn’t fall in love, get married, and have kids. I wouldn’t get old. So what? It would save me from all the agonies that come with those aspects of life. “Your point is?”

“Hindi mo pa nakikita at natitikman ang lahat sa mundo, susukuan mo na agad? Paano kung sa tamang panahon at lugar, makita mo `yong bagay na magbibigay sa `yo ng paghahangad na mabuhay at ipagpapasalamat mo na nabuhay ka sa mundong ito?”

It was my turn to laugh. “Aren’t you an optimist? Paano kung hindi dumating `yong araw na `yon?”

“Paano kung dumating?”

Nagkibit ako ng balikat. “I wouldn’t know. Kasi hindi ko na `yon mararanasan dahil malapit na akong mawala sa mundo.”

“Hindi ka ba curious kung ano ang pakiramdam ng maging totoong masaya?”

I smiled bitterly. “Mayroon ba talang true happiness?”

“Ano’ng ibig mong sabihin? Iniisip mo bang fake ang happiness? Na nagpapanggap lang ang mga tao na masaya?”

“Aren’t they? They’re all just pretending to be happy with their lives. Kahit gaano pa kayaman ang isang tao, kahit gaano pa halos ka-perfect ang buhay niya, deep in the corners of her heart, there are sadness, fear, and anger in there, which prevent her from being truly happy.”

Narinig ko na lang pagbuga niya ng hangin habang nakatingin ako sa kawalan.

“Iba din talaga trip mo. `Yong mga hindi mo dapat iniisip, `yon ang iniisip mo.”

“This must be my problem. Sana simpleminded na lang ako at mababa ang EQ ko. Baka sakaling naging masiyahin ako.” Bumaling uli ako sa kanya. “I don’t believe in real happiness because, as I’ve said before, happiness is only temporary. Therefore, walang tunay na kaligayahan.”

“Baka depressed ka lang kaya ganyan ka mag-isip. Kaya puro negative ang pumapasok sa isip mo. Nabanggit mo na nagpapa-psychiatrist ka. Hindi ka ba niya mapagaling?”

“There is no cure for depression. It’s a lifelong mental disorder. Parang terminal disease din like cancer. It also leads to death eventually after a person suffers. The only difference is that instead of dying naturally… we take our own life.”

Hinimas-himas niya ng dalawang daliri ang baba. “Eh, di mas okay pa rin pala kaysa sa may terminal disease. Kasi nasa `yo pala ang desisyon kung mamamatay ka o hindi sa huli. Samantalang sila, no choice.”

I exhaled a sarcastic laugh. He was just another person who was clueless about depression. Hindi ko naman siya masisi. Only depressed people understand where we are coming from. Only we know how painful it is to live and not die naturally.

“Nasa akin nga,” pakikisakay ko na lang. “That’s why I’ve decided to end things tonight.”

“Sino’ng maiiwan mo kung sakali?” he asked casually, as if I were only moving somewhere far away from home.

“My dad.”

“Hindi ka ba mahal ng tatay mo?”

Hindi ako makapaniwala kung paano siya magtanong na parang wala lang. Ni walang sympathy sa mga mata niya. Para lang siyang nakikipagkuwentuhan sa isang random stranger sa kalye tungkol sa isang nonsense topic. Kunsabagay, ayoko rin namang kaawaan ako. At siguro kaya nagtagal ang conversation namin nang ganito ay dahil alam kong hindi siya concerned o naaawa sa akin dahil depressed ako. I felt uncomfortable sharing my mental condition with people who pity me for being depressed.

And, come to think of it, this was the longest conversation I had with a person these past few weeks. And I don’t even know who this guy is.

“Bakit mo tinatanong?” I asked, even though I already had an idea why he asked that. He probably thought I wouldn’t be depressed if my parents loved me.

“Gusto ko lang malaman kung iiyak siya kapag nawala ka.”

Well, I did not expect that reply. This guy is unpredictable.

“My dad will probably be devastated for a while, but he will move on. Hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo niya. He had a lot of things and people in his life. And maybe, I will do him a favor if I…” Sinadya kong hindi ituloy ang sinasabi.

I mean, what the hell am I doing? Bakit ako nag-o-open up sa lalaking ito na hindi ko kilala? Kunsabagay, hindi rin naman ako mag-o-open up sa taong kilala ko. So, mas okay pa nga yata ang mag-share ng saloobin sa isang stranger.

“Gusto mo na sigurong makasama `yong nanay mo.”

“Definitely.” Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit magaan lang para sa akin ang mawala sa mundo. I wanted to be with my mom. I missed her so much.

“Ang tanong, gusto ka kaya niyang makasama agad? Ano kayang sasabihin niya kapag nalaman niyang nagmadali kang makita siya?”

For a moment, I could not speak. Bigla ko kasing naalala ang mga pangarap ng mommy ko noon para sa akin. She said I had a bright future ahead of me. I was destined for great things because I was smart and enthusiastic. She told me to explore the world freely when I grew up. It did not matter to her where life led me, as long as I was happy.

When she told me to explore the world, it resonated with me. That’s why, shortly after, I told her I wanted to be a travel writer when I grew up. I wanted to explore the world and different cultures and write about them and my experiences. Mom advised me to write for a magazine or, better yet, write a book. My mom was as excited as I was. She started dreaming for me.

Hindi ko na matutupad ang pangarap ni Mommy para sa akin. Kaya kapag nagkita kami sa afterlife, baka ma-disappoint siya sa akin dahil hindi ko inabot ang pangarap ko. Will that make her sad?

“Umiiyak ka ba?”

That was the time I realized I was in tears.


“`OY! UY!”

Naririnig ko ang tawag ng lalaking nanlibre sa akin ng street foods pero hindi ako lumilingon habang naglalakad palayo sa tulay. Nagtaka siguro siya kung bakit basta ko na lang siya iniwan doon.

I refused to cry in front of a stranger. I did not want to talk about why I cried.

“Saan ka pupunta?” tanong pa rin niya habang sinusundan ako. “Akala ko ba, tatalon ka?”

Hinabol niya ako para ipaalala ang balak kong pagtalon sa tulay? Why, this guy. Gusto ba niya akong panooring tumalon doon?

I wiped the tears from my eyes and stopped to face him. He still looked nonchalant. As if hindi talaga siya bothered na suicidal ako. Well, ayoko rin namang maging concerned siya sa akin dahil ayoko ng pipigil sa aking gawin ang gusto kong gawin. It’s just that… it bothered me a little that he could be a psychopath. A psychopath is an empath’s nemesis. We are the exact opposites.

“Do you really expect me to jump into the water while you’re there watching me?” I said sarcastically. “Ayoko ng witness sa pagpapakamatay ko.”

Tumangu-tango siya na para bang na-realize na may point ako sa sinabi ko. “So, hahanap ka ng ibang pagtatalunan? `Yong walang witness?”

Itutuloy ko pa ba ang balak ko tonight? I just lost the momentum. Parang wala na akong ganang magpakamatay tonight. “Nawalan na ako ng gana. Tomorrow na lang.” Tumalikod na ako para ituloy ang paglayo sa kanya pero narinig ko ang pagtawa niya kaya napalingon uli tuloy ako sa kanya. He looked very amused.

“What’s funny?” naiiritang tanong ko.

“Naaaliw lang ako. Ngayon lang kasi ako nakakilala ng taong gusto nang mamatay.”

I glared at him. “So, this thing amuses you?”

“Hindi sa paraang iniisip mo.”

Pinameywangan ko siya. “Tell me about it.”

Mukhang nag-isip siya sandali. “Tutal, hindi ka naman takot mamatay, ba’t hindi mo na lang ako samahan?”

“Samahan saan?”

“Adventure.”

“Adventure?”

Tumango siya. “Nitong nakaraan kasi, naisip ko, ang boring pala ng buhay ko. Kaya gusto kong maranasan `yong mga bagay na hindi ko pa nararanasan… tulad ng pag-akyat ng bundok.”

“As in, mountain climbing?”

“O hiking. Sa pinakamataas na bundok. `Yong pinakamahirap akyatin.”

“Mount Everest?”

“Loko ka ba? Sa ibang bansa `yon, eh. Paano naman ako makakarating doon? Ano ako, rich kid tulad mo? Dito lang sa Pinas.”

I couldn’t believe he called me “loko.” I’m starting to hate the kanto-style talking.

“So, you mean, Mount Apo?” I am not interested in mountains, but I still remember what I studied in school. Mount Apo is the highest mountain in the Philippines.

Kung makatingin siya sa akin, parang ang tanga ko.

“Ang layo rin no’n, eh. Sa Mount Pulag naman! Pinakamataas na bundok sa Luzon. Nasa Benguet lang `yon.”

Benguet? Nandoon ang Baguio. I had been to Baguio once. It was during our school retreat.

Nakita ko ang excitement na lumarawan sa mukha ng lalaki.

“Ang sarap pa man din umakyat doon kasi malamig doon,” he said enthusiastically. “Hindi nakaka-haggard. `Tapos, nakikita ko sa Facebook `yong pictures ng mga nakarating sa summit. Para silang nakarating sa langit kasi ka-level lang nila `yong mga ulap. `Yong ‘sea of clouds’ na tinatawag nila. Sama ka?”

I have never tried mountain climbing, because why would I? It’s dangerous and only for people who are very fit and active. “Sa tingin mo, kaya kong umakyat ng bundok? I’m rather skinny.”

“Eh, ano naman? Mas magaan, mas kayang buhatin ang katawan.”

“I do not have upper body strength.”

“Bakit kailangan mong problemahin `yan? `Di ba gusto mo nang mamatay? Kaya okay lang siguro sa `yong mahulog ka habang umaakyat ng bundok.”

Kusang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung bakit niyayaya niya akong sumama sa pag-akyat ng bundok. Instead of drowning myself to death, he wanted me to jump down a mountain after reaching its summit. He must really be a psychopath.

Sabagay, tinanong ko nga pala siya kanina kung may suggestion siya kung paano ako mamamatay. That must be it.

“Bakit ganyan reaksiyon mo?” kunot-noong tanong niya. “Pabor nga sa `yo `yon. Kung mahulog ka habang umaakyat sa bundok, at lis, hindi ka nagpakamatay. Namatay ka nang kusa. Kaya hindi mapupunta kaluluwa mo sa impyerno.”

Natigilan ako sa sinabi niya. I was enlightened. He was urging me to expose myself to danger because he wanted to help me die without committing suicide. He must be secretly bothered to see someone take her own life. But it was funny because he did not want to interfere with my decision to die. Baka half-psychopath lang siya.

I watched him smile at me as if he were enjoying this. This guy is something else. No, he is not giving me the creeps. I do not feel that he’s a bad person. Kakaiba lang siya. He is definitely not normal.

“Game?” he asked optimistically.

I just looked at him with a straight face. Bakit ako sasama sa isang stranger? Why would I travel to Benguet with a weird guy like him? Bakit kailangan kong pahirapan ang sarili ko sa pag-akyat sa bundok para lang mamatay kung puwede naman akong tumalon na lang sa tulay?

“Ayaw mo ba munang makaranas ng adventure bago ka mamatay?”

Adventure, my ass. For someone who wants to die, makukuha ko pa bang mag-enjoy sa adventure na sinasabi niya? I was about to tell him to leave me alone, but he continued to speak.

“Magbabaon ako ng maraming kwek-kwek para kainin natin sa tuktok ng bundok.”

I closed my mouth as I pictured myself devouring a cup of kwek-kwek at the top of the mountain, sauce dripping from my mouth. For a moment, I felt my heart race erratically with excitement.

The guy was smiling in amusement, as if he knew what was on my mind. I don’t know why, but the thought of eating kwek-kwek perks me up. It’s weird.

“Ako nga pala si Uno,” pagpapakilala niya sa sarili. “Ikaw, ano’ng pangalan mo?”

“Clarisse.” Wait a minute. Why did I give him my name?

Mas lumaki ang ngiti ni Uno na para bang nasiyahan siyang malaman ang pangalan ko. I just realized he was good-looking, especially whenever he smiled. His tan skin suited his manly facial features. His eyes were expressive. I have never seen eyes like his.

“Pa’no, Clarisse? Kita-kits bukas?”

“Huh?”

Sinabi niya kung anong oras kami magkikita sa tulay at kung ano ang mga dadalhin ko. Ni hindi ako nakapagsalita hanggang sa lumakad na siya palayo.

4 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.